Tuesday, March 29, 2005

anong kinatatakutan nyo? multo? aswang?

ako, oo aaminin ko takot ako sa maraming bagay2. naalala ko pa nga nung isa pa lamang akong maliit na paslit eh pati simbahan takot akong pumasok... sabi ng mga kamag-anak ko, may sa demonyo daw ako!!!! hehehe... pero cyempre loko lang yun noh... at hindi na ngayon..

minsan muntik pa akong masagasaan kc sa sobrang takot kong tumawid nag iiiyak ako sa gitna ng kalsada. pati tuloy mama ko natakot sa nangyari....takot din ako sa gagamba... yung malaki ha... minsan kasi ginapangan ako nun sa may paa... at take note habang gumagapang eh naglalabas pa sa pwitan nya ng mga maliliit na gagamba.. kadiri tlga! cmula nun kahit malayo pa ang gagamba eh umiiyak nako.

pero sa totoo lng, kababawan lang lahat ng katatakutan na yan... kumbaga sa isang iglap lng kaya mong ikawala ang takot na ito...naisip ko tuloy, ano ba talaga ang mga bagay na dapat katakutan ng isang tao?!?!

pagkamatay ba? kahit nakakatakot nga tlga dapat hindi ito katakutan sabi ng ibang tao... dapat itong harapin...

takot mawalan ng boyfriend o girlfriend?! hello? di ka mauubusan ng lalake at babae... bawat oras may pinapanganak...

eh eto?!?!

naisip mo na bang katakutan ang DIYOS?

naisip mo ba na ang diyos lang ang may hawak ng ating buhay, ang ating isip, kaluluwa...diba mas nakakatakot cya... kaya wag nyo syang aawayin ha... kc nakakatakot tlga!!!!

ps: malamang yung mga anti-christ jan hindi..... :-)

No comments: